Talambuhay
Sinulat ni Mario S. Feranil

 

bonid.jpg (11771 bytes)    Ako ay si Mario S. Feranil. Ipinanganak ako sa Estados Unidos (USA) Los Angeles noong Mayo 4,1992 dahil ang ama ko ay may trabaho sa World Bank bilang isang economista. Ang mga magulang ko ay si Mario C. Feranil at si Imelda L. Santiago. Mayroon akong tatlong kapatid: ang kuya ko na si Eduardo S. Francisco, ang ate kong si Victoria S. Francisco at si Jennifer Feranil.

   Mahilig akong maglaro ng soccer, lumangoy, kumanta, magbasa at manood ng telebisyon. Mahilig akong makipag-usap at mag”party” rin.

    Higit sa lahat, mahilig akong maglaro ng “computer.” Noong isang taon at kalahati pa lang ako ay naglalaro na ako ng Disney games sa “computer” ng ama ko. Hanggang ngayon ay ang “computer” pa rin ang hilig ko tulad ng kuya ko pero ngayon ay internet at PC games ang aking pinag-aabalahan.

    Marami na akong nalakbay na malalayong lugar kasama ng aking mga magulang. Noong dalawang linggo pa lang ako, sumakay kami sa Amtrak papunta sa San Diego. Noong anim na buwan ako kami ay sumakay ng kotse ng 14 na horas patungo sa Florida para makapunta sa Disneyworld. Noong isang taon naman ako, kami ay nag-eroplano patungo sa Rome, Italy at nakita ko ang Santo Papa sa Vatican City. Buhat nang umuwi kami sa Pilipinas noong 1993, lagi kaming lumalakbay sa iba’t ibang rehiyon at probinsya ng bansa. Naabot ko na ang mga magagandang lugar tulad ng Baguio, Vigan, Boracay, Pagudpud, Cagayan, Apuao, Mt. Mayon, Mt. Apo, Donsol at Palawan. Sa palagay ko ay sa Muslim Mindanao lang ako hindi nakakapunta pa. Kung kaya’t kapag pinaguusapan sa klase ang mga ito, hindi ako naninibago dahil marami na akong napuntahan sa kanila.

    Ang ambisyon ko ay makatapos ng grade school na may magaling na marka. At sa High School at College at doctoral gusto kong maging scholar. Kapag malaki na ako gusto kong maging isang dalubhasang doctor upang makatulong sa mga kapwa tao ko.